UPPER_120517_NBI_04_VICOY copy

Kasabay ng pagkakadakma sa dating PBA player na si Dorian Peña, inaresto rin ang mga hinihinalang kasabwat ng Korean-American drug fugitive na si Jun No.

Ipinaliwanag kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran na nahuli sa pot session si Peña, nang ikasa ng mga operatiba ang manhunt operation laban kay No sa Merryland Village, Mandaluyong City nitong Miyerkules.

Sinabi ni Gierran na ang mga inarestong kasabay ni Peña ay hinihinalang kasabwat ni No at sila ay kinilalang sina Jose Paolo Ampeso at Ledy Mea Mesia Vilchez, na kilala rin bilang Mae.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ayon sa NBI chief, si Ampeso ay anak ni dating Philippine Consul General to Canada Jose Arthur Ampeso.

Sa isang kalatas, sinabi ni Gierran na nagsagawa ng operasyon ang NBI matapos itong “stumbled upon an information that Subject ‘Mae’ was the last known companion of Jun No after the latter escaped from the hospital after undergoing a surgery for appendectomy.”

Idinagdag niya na “intelligence network brough in the information that ‘Mae’ is an escort girl who delivers drugs for Korean clients.”

Matapos arestuhin ang tatlo nang makuhanan ng dalawang pakete ng shabu at drug paraphernalia, dinala sila sa Department of Justice (DoJ) nitong Huwebes para sa inquest proceedings.

Si Peña ay kinasuhan ng possession at use of illegal drugs habang sina Vilchez at Ampeso ay kinasuhan ng sale, possession, use of illegal drugs, at pagmamantine ng umano’y drug den. (Jeffrey G. Damicog)