Sa kabila ng pagbaba sa kanyang trust rating, hindi pinanghihinaan ng loob si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez na pinalalakas ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS) ang kanilang loob, idiniin na isinagawa ito sa panahon ng nagsisimula na ang Vice President na magtrabaho “outside the Cabinet.”

Ipinakita sa SWS survey, isinagawa mula Marso 25 hanggang 28 sa 1,200 Pilipino, na bumaba ng 15 porsiyento ang trust rating ni Robredo sa first quarter ng taon.

Nananatiling “good” ang kanyang rating ngunit bumaba ito ng 15 puntos mula sa +45 na nakuha niya noong Disyembre 2016.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Batay sa resulta ng survey, 55% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng “much trust” sa Vice President, habang 25% ang may “little trust” sa kanya, at 20% ang hindi makapagdesisyon.

Lumabas din na ang net trust rating ni Robredo ay bumaba ng 10 puntos sa Metro Manila, balance Luzon at Visayas, at 32 puntos sa Mindanao.

Sinabi ni Hernandez na isinagawa ang survey sa panahon na si Robredo “focused all her efforts on Angat Buhay,” ang kanyang antipoverty program.

Aniya, nagpapasalamat pa rin si Robredo sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng mamamayan.

“The survey results are a reminder to us as well that there are still many Filipinos who place their trust in VP Leni and her ability to serve and give voice to those on the margins of society,” sabi ni Hernandez. (Raymund F. Antonio)