CAPAS, Tarlac – Naniniwala ang mga pulis na paghihiganti ang motibo sa pagpapasabog ng granada sa harapan ng himpilan ng Capas Police, at mga sangkot sa droga na posibleng nakikisimpatiya sa dalawang kasamahan ng mga ito na naaresto kamakailan ang nasa likod ng krimen.

Bandang 12:20 ng umaga kahapon nang hagisan ng granada ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo ang presinto, at sa tulong ng isang saksi at sa kuha ng CCTV camera ay nakilala ang mga suspek.

Sa isinumiteng ulat kay Capas City Police chief, Supt. Ariel Rebancos Red, naaresto sina Jerick Carlo Allerey, alyas “Sundalo”, dating military personnel na pansamantalang naninirahan sa Barangay Cristo Rey; at Garu Tanglao, ng Bgy. Manlapig, Capas, Tarlac.

Nabatid na ang dalawa ay kapwa miyembro ng Masikan Group, na sangkot sa bentahan ng droga at kumikilos sa ilang lugar sa Capas at karatig pang mga lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dahil sa pagsabog, nawasak ang unahang salamin ng pintuan ng presinto, ang glass window sa supply room, ang station directory, at ang Honda TMX 155 motorcycle (SW-9299) na nakaparada sa lugar. (Leandro Alborote)