NAIDEPENSA ni Philippine flyweight champion Ryan Rey Ponteras ang kanyang titulo nang talunin sa 5th round technical decision ang dating kampeong si Felipe Cagubcob Jr. nitong Mayo 9 sa Cauayan City, Isabela.

Nagpalitan ng matitinding bigwas sina Ponteras at Cagubcob sa loob ng apat na rounds bago pumutok ang kanang kilay ng challenger sa 5th round.

Nagdesisyon ang referee na itigil ang laban sa payo ng ring doctor at ibinigay ang panalo kay Ponteras batay sa score cards ng tatlong hurado kaya nanatili ang koronang natamo nang talunin sa 12-round majority decision si Cagubcob din noong nakaraang Pebrero 5 sa Candelaria, Quezon.

Napaganda ni Ponteras ang kanyang kartada sa 20-11-1 na may 9 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Cagubcob sa 6-5-5 na may 2 panalo sa knockouts.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Ito ang ikapitong sunod na panalo ni Ponteras na umaasang mapapalaban sa OPBF flyweight title bout kanyang susunod na laban. (Gilbert Espeña)