ILULUNSAD ng ABS-CBN News ngayong linggo ang Patrol.PH, isang Filipino language website para sa lumalaking bilang ng mga mamamayang kumukuha ng mga balita at impormasyon sa pamamagitan ng Internet.

Iba-iba ang putaheng alok ng Patrol.PH para sa mga Pilipino at sa kanilang pangangailangan para sa impormasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay sadyang magiging biswal, maraming mga retratong kaaya-aya, at nakasulat sa paraang madaling basahin at intindihin.

“Ito ang pinakahuli nating paraan ng pagpapalawig sa relasyon natin sa dumadaming mga Pilipinong nag-i-Internet.

Hindi lang mga bagay na kailangan nilang malaman, kundi mga impormasyon na makakatulong sa pamumuhay ang laman ng Patrol.PH,” sabi ni Ging Reyes, pinuno ng ABS-CBN News.  

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magkahalong balita, human interest features, tips, at impormasyon para sa serbisyo publiko ang laman ng Patrol.PH.

“Laging ginagawa ng ABS-CBN News ang pagsubok sa mga bagong bagay para makapagserbisyo publiko. Narito na ang digital revolution, at hindi natin pababayaan na mahuli ang ating mga kababayan, kaya ginawa natin ang Patrol.PH para makapagbasa ng balitang kailangan nila ang mga Pilipino at kanilang mga pamilya, nasaan man sila, at ano man ang mobile device nilang hawak,” sabi ni Reyes.

Ang mga balita at impormasyon ng Patrol.PH ay ihahatid araw-araw sa pagsisikap ng pinagsamang puwersa ng ABS-CBN News, Radio, at Current Affairs na ngayon ay nasa iba’t ibang larangan gaya ng broadcast, digital, social, at mobile.

Daragdag ang Patrol.PH sa marami pang website at proyekto sa online ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company na isa na ring digital na kumpanya na may pinakamalawak na presensya sa Internet sa mga media network sa Pilipinas.

Para sa iba pang balita at impormasyon, maaaring bumisita sa news.abs cbn.com, tumutok sa ABS-CBN sa free TV, DZMM TeleRadyo o sa ABS-CBN TVPlus at cable, DZMM 630 sa AM radio, sa ANC, ANC HD, at ABS-CBN HD sa cable. Panoorin ang ABS-CBN online via live streaming sa www.iwantv.com.ph at sa skyondemand.com.ph.