DAGUPAN CITY – Ilang araw nang nangungulila ang isang binata sa kanyang live-in partner at sa apat na buwan nilang anak na umalis sa kanilang bahay hanggang sa matagpuan siyang nakabigti sa Barangay La Suerte, Angadanan, Isabela.

Ayon sa pulisya, dakong 4:00 ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga kaanak na nakabigti si Janeiel Mendoza, 27, residente sa nabanggit na barangay.

Nabatid na labis na dinibdib ni Mendoza ang pag-iwan sa kanya ng nakaalitang kinakasama, na umalis ng bahay bitbit ang kanilang sanggol na anak. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City