Ang mga batang pare-pareho ang oras ng pagtulog at hindi gaanong nagbababad sa telebisyon ay maaring mas magaling sa pagkontrol ng emosyon, ipinahihiwatig ng mga pag-aaral kamakailan.

Ito marahil ang dahilan kaya mas mababa ang panganib na sila ay tumaba kaysa kanilang mga kaedad na paiba-iba ang oras ng pagtulog at nakababad sa telebisyon, sabi ng mga may-akda.

Dati nang iniuugnay ang labis na panonood ng telebisyon at hindi sapat na tulog sa katabaan sa matatanda, at ang bagong pag-aaral ay nagbibigay ng fresh insight kung bakit maaaring totoo ang mga kaugnayang ito sa pagkabata, saad ng mga mananaliksik sa International Journal of Obesity.

Ang mga bata na mas maayos na nakokontrol ang kanilang emosyon sa edad na 3 taon ay mas maliit ang posibilidad na maging mataba pagsapit ng 11 kaysa mga bata na hindi magaling sa pagkontrol ng kanilang mga nararamdaman at nagpapadalus-dalos, natuklasan sa pag-aaral.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We found that 3-year-old children who had household routines around bedtimes, mealtimes and screen time were more likely to also have better emotion regulation,” sabi ng lider ng pag-aaral na si Sarah Anderson, public health researcher sa Ohio State University in Columbus.

“Both lack of a regular bedtime and poor emotion regulation increased risk for later obesity,” saad sa email ni Anderson. “These two factors were independent of each other; the link between bedtimes and obesity could not be explained away by a child’s inability to regulate their emotions,” banggit niya.

Para sa pag-aaral, inimbestigahan ng mga mananaliksik ang datos ng 10,955 bata na isinilang sa UK simula 2000 hanggang 2002. (Reuters)