GAPAN CITY - Isang 49-anyos na lalaki ang namatay makaraang sumpungin ng sakit sa puso habang kasama ang kanyang nobya sa loob ng isang hotel sa Gapan City, Nueva Ecija.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, ang nasawi na si Jimmy Juanta Gaffer, may asawa, ng Barangay Daan Sarile, Cabanatuan City.

Kasama ni Gaffer si Danica Cenon, dalaga, ng Bgy. Sto. Niño 1st, San Jose City, nang mangyari ang insidente sa loob ng Wheeler Inn Hotel sa Bgy. San Vicente, Gapan City.

Ayon sa pulisya, humingi ng tulong ang pamunuan ng hotel tungkol sa isang kustomer nito na inatake umano sa puso, ngunit hindi na umabot nang buhay sa Good Samaritan Hospital si Gaffer.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Batay sa imbestigasyon ni Madria, nakarekober ang pulisya sa loob ng hotel room ng empty case ng Chinese brand na sex-enhancer drug, na ginamit umano ni Gaffer. (Light A. Nolasco)