PHNOM PENH, Cambodia — Sinabi ni incoming Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kahapon na handa siyang magpakulong kapag napatunayang iniligaw niya ang mga miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Universal Period Review (UPR) kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangyari ito matapos iniulat ng isang pahayagan na inakusahan ng human rights experts at advocates si Cayetano na gumamit ng restrictive definition ng “extrajudicial killings” (EJKs) na hindi ginagamit sa Pilipinas o sa buong mundo sa harap ng UPR.

Sinabi ni Cayetano, sa press briefing sa Phnom Penh, na nabasa niya ang artikulo at handa siyang mawalan ng trabaho kapag napatunayang iniligaw niya ang UN assembly. “I’m willing to resign, to be jailed, to be exiled if mali ‘yung prinesent ko or at the very least if I intentionally misled anyone. Lahat ng prinesent ko is based on fact, based on actual numbers,” giit niya. (Argyll Cyrus B. Geducos)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?