MgaLaro Ngayon

(Araneta Coliseum)

3 n.h. -- Indonesia vs Singapore

5 n.h. -- Malaysia vs Thailand

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

7 n.g. -- Myanmar vs Philippines

MALAMBOT ang unang balakid sa hangarin ng Gilas Pilipinas sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 12th Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championship ngayon sa Araneta Coliseum.

Makakasagupa ng tropa ni national coach Chot Reyes ang Myanmar ganap na 7:00 ng gabi sa tampok na laban ng nakatakdang triple-header ng torneo na magsisilbing qualifier para sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto sa bansang Lebanon.

Bago ang salpukan ng Pilipinas at Myanmar, magtutuos ang Indonesia at Singapore ganap na 3:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng mga itinuturing na contenders Malaysia at Thailand ganap na 5:00 ng hapon.

Bagama’t hindi kinikilalang basketball power sa rehiyon ang katunggaling Myanmar, siniguro ni Reyes na siseryosohin nila ang laban at lahat ng laro ay tatratuhin nilang kampeonato.

“We don’t want to take chances,” ani Reyes na gustong maniguro ng kanilang tsansa para sa nag-iisang slot na nakataya sa torneo para sa FIBA Asia Cup.

Magsisimula ang matinding pagsubok para sa Gilas kinabukasan kontra Singapore at sa Linggo kontra Malaysia.

Walang laro ang Gilas sa Lunes (Mayo 15) bago nila makaharap ang Thailand sa Martes na susundan ng pagtutuos nila ng Vietnam sa Miyerkules. (Marivic Awitan)