LIBMANAN, Camarines Sur – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa misteryosong pagkasawi ng isang sanggol na natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang timba ng tubig sa loob ng kanilang bahay sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon kay PO2 Emyrose Organiss, tagapagsalita ng Libmanan Municipal Police, nagtungo sa banyo ang ina ng sanggol at iniwan ang huli sa kuwarto.

Sinabi ni Amoranto na pagbalik niya sa silid ay wala na roon ang kanyang anak kaya nagpatulong siya sa mga kasama niya sa bahay upang hanapin ang bata.

Natagpuan nila ang biktima sa kusina, wala nang buhay sa pagkakalublob sa isang timba ng tubig.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

Naisugod pa ang sanggol sa ospital ngunit wala na itong buhay.

Nagkasa na ng masusing imbestigasyon ang mga pulis sa insidente. (Ruel Saldico)