BILANG patunay na hindi pahuhuli sa husay at galing ang sundalong Pinoy, isasabak ng Philippine Army (PA) ang tinaguriang “Manunudla” shooting team sa Australian Army Skills at Arms Meeting (AASAM) na magsisimula sa Mayo 16.

Ang AASAM 2017 ay isang international shooting competition para sa mga sundalo. Gaganapin ito sa Combined Arms Training Center, Puckapunyal Military Area, Victoria, Australia, ayon kay PA spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson.

Aniya, isasabak ng PA ang 14-man shooting contingent na pamumunuan ni Col. Royland M. Orquia.

“In line with our vision of becoming a world class Army, we are continuously honing the marksmanship skills of our soldiers to be at par with other Armies not only in the Southeast Asian Region but also in the whole world,” pahayag ni Tiongson.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sasabak ang sundalong Pinoy laban sa 20 koponan para sa kategoryang sniper, carbine rifle, pistol, at machine gun.

Isinasagawa ang AASAM ng Australian Army Rifle Association sa layuning mapataas ang kalidad ng mga sundalo sa aspeto ng modern standards, equipment at training systems sa combat shooting. (PNA)