Tatlong katao, dalawang lalaki at isang babae, na pawang itinuturing na persons of interest sa magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, ang inimbitahan ng Manila Police District (MPD) upang bigyang-linaw ang naturang insidente na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng anim na katao.

Samantala, nilinaw ni Police Chief Inspector Rommel Anicete, hepe ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), na hindi pa itinuturing na suspek ang tatlo kaya hindi muna sila pinangalanan.

Aniya, inimbitahan lamang ang mga ito upang hingan ng ilang paglilinaw na makatutulong sa imbestigasyon.

Una rito, nagsagawa kahapon ng follow-up operation ang awtoridad, partikular na ang MPD Special Weapon and Tactics (SWAT), Explosive and Ordnance Division (EOD), District Special Operations Unit (DSOU) at CAPIS, sa pinangyarihan at kinordon ang lugar. (Mary Ann Santiago)

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras