Kanya-kanyang diskarte sa paghahanap ng masisilungan ang 120 pamilyang nasunugan matapos lamunin ng apoy ang 80 bahay sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Pasay Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshall Supt. Carlos Duenas, dakong 7:30 ng gabi sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Helen De Miao sa Sampaguita B Street, Barangay 197, Zone 20, dahil sa napabayaang sinaing.

Aniya, mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Sa salaysay ng mga residente, nakarinig sila ng malakas na pagsabog kasabay ng makapal na usok at tuluyang nagliyab ang bahay ni Miao.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang 2:00 ng madaling araw kahapon.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente habang tinatayang P150,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

(BELLA GAMOTEA)