CARACAS (AFP) – Libu-libong sanggol ang namatay sa Venezuela nitong nakaraang taon, ayon sa bagong datos.

Binibigyang-diin nito ang trahedyang epekto ng krisis sa ekonomiya at tensiyong politikal na pinalala ng madudugong protesta sa kalye.

Sinabi ng health ministry na tumaas ng 30 porsiyento ang bilang ng mga namatay na sanggol na wala pang isang taon nitong 2016, kung kailan nagreklamo ang mga ospital at mga demonstrador ng matinding kakulangan sa medical supplies.

Tumaas din ng two-thirds ang bilang ng mga inang namamatay sa panganganak, ayon sa datos na inilathala ng ministry.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Ayon dito, 11,466 sanggol ang namatay nitong 2016, tumaas mula sa 8,812 noong 2015.