NAKOPO ni Jayson Valdez ng Team Philippines ang men’s 50-meter rifle three-position event nitong Martes sa 41st Southeast Asian Shooting Association (SEASA) Championships sa Subang National Shooting Range in Subang, Malaysia.

Nakapuntos ang 21-anyos na si Valdez ng 448.1 para makopo ang gintong medalya – ikalawa sa torneo ng Nationals – habang bumuntot sina Nguyen Van Quan ng Vietnam (445.3 points) at Phung Le Huyen ng Taipei (432.4 points).

Nauna nang nakamit ni Jayson, anak ng veteran internationalist na si Julius Valdez, ang bronze medal sa 50-meter prone event at 50-meter Air Rifle event.

Sa 50-meter Air Rifle event, tumapos siya sa pangatlo sa 15 kalahok tangan ang iskor na 593 puntos, isang puntos ang bentahe sa 24-year-old record ni Bartolome Teyab noong 1993 SEA Games sa Singapore.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinanghal na unang gold medalist sa PH team si Olympic Solidarity scholar Amparo Acuna sa women’s 50-meter Rifle Prone nitong Lunes.

Umiskor ang 19-anyos na si Acuna ng 591.10 puntos para gapiin sina Myanmar’s Thu Thu Kyaw (590.29 points) at Malaysia’s Mohd Nur Suryani (589.33 points). (PNA)