Dumausdos ang trust rating ni Vice President Leni Robredo, partikular na sa Mindanao, base sa unang bahagi ng Social Weather Stations (SWS) survey results.

Batay sa nationwide survey sa 1,200 respondents noong Marso 25-28, napag-alaman na 55 porsiyento ang sobrang nagtitiwala, 20% ang undecided, at 25% ang bahagyang nagtitiwala sa Bise Presidente.

Ito ay nagresulta sa +30 net trust rating, na itinuturing ng SWS na “good.”

Ang pinakabagong rating ni Robredo ay 15 puntos na mas mababa sa “good” na +45 na nakuha niya noong Disyembre 2016.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ipinagdiinan ng SWS na ang trust rating ni Robredo ay moderate sa +29 noong Disyembre 2016. Tumaas ito sa good mula Enero 2016 hanggang Mayo 2016, sa tinamong +30 hanggang +45.

Umakyat ito sa “very good” sa pagkakaroon ng +63 noong Hunyo 2016, at +58 noong Setyembre 2016, bago bumalik sa good sa pagkakaroon ng +45 noong Disyembre 2016 at +30 noong Marso 2017.

Kasalukuyang nasa Tokyo, Japan ang Bise Presidente upang makibahagi sa Global Summit of Women.

Nakatakdang dumalo si Robredo sa Global Summit of Women, kasama sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Vietnamese Vice President Dang Thi Ngoc Thinh, ayon sa kanyang tanggapan. (Ellalyn De Vera-Ruiz at Raymund F. Antonio)