one copy

NASA mabuting kamay ang kapalaran ng Pinoy mixed martial arts, higit at nananatiling matatag at malakas ang Team Lakay.

Sinabi ni Eduard ‘Landslide’ Folayang, matikas na naidepensa ang ONE Lightweight World Championship sa ONE:Kings of Destiny kamakailan, na walang dapat ipangamba ang sambayanan dahil nananatiling palaban ang Team Lakay ng Baguio City.

“I am still overwhelmed by the support that the whole Team Lakay is getting from the entire nation. We are all grateful for every cheer, support and prayer. It keeps us inspired, motivated, and humble. Our goal every fight night is always the same, which is to bring honor to our country,” pahayag ni Folayang sa media sa ginanap na ‘Thanksgiving’ nitong Martes sa Vikings sa MOA Bayside.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasama niyang dumating sina dating ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario, Geje “Gravity” Eustaquio, Kevin “The Silencer” Belingon, Edward “The Ferocious” Kelly, Joshua Pacio, Danny “The King” Kingad, Gina “Conviction” Iniong and April Osenio.

Nagbigay din ng kanyang panahon si Philippine MMA coach at Team Lakay chief proponent Mark Sangiao.

“We are happy to celebrate this feat with our friends in the media and our beloved followers from Luzon, Visayas and Mindanao. We came from the mountains of Baguio City, but we represent the colors of the Philippines on the global stage. Last April, we accomplished a 5-0 sweep, including Eduard’s successful title defense. We came and overcame the challenges. However, the journey doesn’t end there. As martial artists, we are here to grow and learn,” sambit ni Sangiao.

Maliban kay Eustaquio, lahat ng miyembro ng Team Lakay ay magbabakasyon muna kasama ang kanilang mga pamilya.

Kabilang si Eustaquio sa fight card ng ONE: Dynasty of Heroes sa Mayo 26 sa Singapore Indoor Stadium. Mapapalaban siya kay Thailand’s Anatpong Bunrad.