Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

1 n.h. -- IEM vs Sta. Elena

4 n.h. -- Air Force vs Power Smashers

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

6:30 n.g. -- Creamline vs Pocari Sweat

MAGKAKASUBUKAN ang defending champion Pocari Sweat at baguhang Creamline sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference ngayon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Pupuntiryahin ng Lady Warriors ang ikatlong sunod na panalo pagkaraang mabigo sa unang dalawang laro habang magtatangka naman ang Creamline na pinangungunahan ni Alyssa Valdez na makabawi mula sa natamong five-set na kabiguan sa kamay ng Power Smashers noong Martes ng gabi na nagbaba sa kanila sa panglimang puwesto ng six-team field.

Dahil dito, itinalagang nakakaangat ang Pocari Sweat sa nakatakda nilang duwelo ganap na 6:30 ng gabi kung saan sasandigan ni coach Rommel Abella para pamunuan ang kanyang team sina starter Myla Pablo, Jeanette Panaga, Elaine Kasilag at Maricar Nepomuceno.

Mas malalim na hugot sa suporta naman ang kailangan ni Valdez para makaangat ang Cool Smashers.

Samantala, tatangkain ng Power Smashers na masundan ang naging panalo kontra Creamline sa pagharap sa kulelat na Air Force ( 1-3 ) ganap na 4 :00 ng hapon.

Mauna rito, tatargetin ng Sta. Elena ang solong pamumuno sa men’s division laban sa Instituto Estetico Manila ganap na 1:00 ng hapon. (Marivic Awitan)