Balak gamitin ni bagong Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson ang social media upang mailapit ang gobyernong Duterte sa mamamayan at masugpo ang pagkalat ng fake news tungkol sa administrasyon.

Naglabas ng pahayag si Uson tungkol sa kanyang magiging trabaho sa communications office ng Palasyo, isang araw matapos siyang manumpa kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa Malacañang.

“Ang ating pong tututukan sa PCOO (Presidential Communications Operations Office) ay ang mailapit ang mga ordinaryong Pilipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng social media. At maidiretso ang TAMANG BALITA sa ating kababayan sa pamamagitan ng SOCIAL,” sabi niya sa isang Facebook post.

“Panahon na na hindi na tayo umasa sa mga MALING BALITA ng ilang mainstream media at ating palakasin ang SOCIAL MEDIA sa tulong n’yo mga tunay na DDS. DAHIL TAYO ANG MEDIA NI TATAY,” sabi niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kinuha ng Presidente si Uson upang sumali sa communications office ng Palasyo kasunod ng kanyang paglilingkod bilang miyembro ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB). Itinalaga siya bilang PCOO Assistant Secretary for Social Media. (Genalyn D. Kabiling)