KUMAWALA sa depensa ng karibal sina Regine Arocha at Jovielyn Prado para gabayan ang Power Smashers sa pahirapang 25-23, 21-25, 25-17, 20-25, 15-13 kontra Creamline para matuldukan ang two-game losing skid sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Martes sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Hataw sina Arocha at Prado sa magkabilang dulo ng court para maibangon ang Power Smashers mula sa tatlong puntos na paghahabol tungo sa pagkuha ng 13-11 bentahe.
Nanguna si Alyssa Valdez sa Creamlines, tampok ang match point mula sa service error ng Power Smashers.
Nanatiling buhay ang pag-asa ng Creamline nang maidikit ang iskor sa14-12, ngunit nakabawi ang Warriors.
Nanguna si Arocha sa Cool Smashers tangan ang 2-2 karta na may 18 puntos.
Laglag ang Cool Smashers sa 1-2.
Ginapi naman ng Cignal TV Inc. ang Café Lupe, 23-25, 25-19, 25-6, 25-23, sa men’s class ng torneo na inorganisa ng Sports Vision at itinataguyod ng Mikasa at Asics.