BHARATPUR (AFP) — Gumuho ang pader sa isang kasalan sa kanluran ng India nitong Miyerkules ng gabi, na ikinamatay ng 24 katao, kabilang ang apat na bata.

Sumilong ang mga bisita dahil sa malakas na bagyo sa isang kubol na katabi ng pader nang ito ay gumuho, sinabi ni police officer Anil Tank.

May 26 iba pa ang nasugatan, at 15 sa kanila ang malubha.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

“The wall and a tin shed attached to it at the marriage venue collapsed due to a storm,” ani Tank, superintendent ng pulisya sa Bharatpur, ang distrito sa Rajasthan state kung saan nangyari ang trahedya.