Tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) general manager Al Vitangcol III na ibasura ang kasong graft laban sa kanya kaugnay sa diumano’y pangingikil ng $30 milyon sa Czech company na Inekon Group.

“Vitangcol’s interpretation that his cases, regardless of the date of their commission, should be removed from Sandiganbayan and instead be transferred to the Regional Trial Court would violate the rule that jurisdiction is conferred by law, and once it is acquired, it cannot be lost but continues until the case is finally terminated,” saad sa apat na pahinang desisyon ng 6th Division ng anti-graft court.

Sa kanyang motion for reconsideration, iginiit ni Vitangcol na tila nagkakaroon ng “contradictory ideas” sa mga salitang ginamit sa Section 5 ng Republic Act 10660 o sa hakbang kaugnay ng structural organization ng hukuman. (Rommel P.Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'