LLANERA, Nueva Ecija - Sisimulan sa susunod na buwan ang imbentaryo sa lahat ng naipamahaging lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa bansa, ayon kay Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano.

Sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal sa “Banuar A Mannalon 2017 Festival” sa Llanera nitong Lunes, sinabi ni Mariano na aalamin ng DAR kung ilan sa bawat 10 benepisyaryo ng CARP ang nagmamay-ari ng mga lupaing naigawad ng pamahalaan.

Sinabi pa ng kalihim na palalakasin din ng kagawaran ang Barangay Agrarian Reform Councils (BARC), kabilang ang pagpapadala ng Agrarian Reform Justice on Wheels, tulad ng proyektong Justice On Wheels ng Korte Suprema, sa mga lugar na maraming agrarian case bilang “our (DAR) way of cases decongestion".

Nabanggit din ni Mariano na kumpiyansa siyang walang magiging aberya ang nakatakdang pagsalang niya sa Commission on Appointments (CA) sa Mayo 24. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?