Celine copy

IPAGDIRIWANG ni Celine Dion ang 20th anniversary ng kanyang awiting My Heart Will Go On sa Billboard Music Awards sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan.

Itatanghal ng singer sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa Mayo 21 ang theme song ng Titanic, ang 1997 blockbuster movie ni James Cameron.

“This song means a lot to me, and it has played such a huge role in my career,” saad sa pahayag ni Celine. “I’m so grateful to the late James Horner, and to Will Jennings, for writing it and creating the opportunity for me to be part of Titanic, an amazing film whose legacy will continue for generations to come.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It’s a great honor to have the opportunity to perform it at the Billboard Music Awards’ international stage, in celebration of the film’s 20th anniversary.”

Isa ang My Heart Will Go On sa mga pinakasikat na awitin ni Celine at isa sa best-selling singles of all time.

Gayunman, inamin ng 49-anyos na noong una ay nagdalawang-isip siyang awitin ito.

“I’m glad I sang the song because... I didn’t want to record the song,” aniya sa The Tonight Show with Jimmy Fallon noong nakaraang taon. “I’m sorry... I’m so happy that my people don’t listen to me.”

Magiging emosyonal ang pagtatanghal ni Celine sa awitin, dahil ito rin ang kantang inialay niya sa kanyang namayapang asawa na si Rene Angelil.

“My Heart Will Go On has been an important song in my life for nearly two decades,” aniya sa isang TV show noong Agosto. “Now and tonight, I’m very honoured to sing it for all of you and for the love of my life. Rene, you will always be in my heart.”

Si Rene, 21-taong naging asawa ni Celine, ay pumanaw noong Enero 2016 dahil sa cancer. (Cover Media)