TALISAY, Batangas - Bumulagta sa kalsada ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek habang sakay sa motorsiklo kasama ang kanyang asawa at kapatid sa Talisay, Batangas.
Dead on arrival sa St. Andrew Hospital si Ricky Lagong, 43, na taga-Taytay, Rizal.
Ayon sa report ni SPO3 Larry Jumarang, dakong 5:30 ng hapon nitong Martes at sakay sa motorsiklo ang biktima, angkas ang asawang si Nelda Lagong at kapatid na si Susan Lagong, habang binabagtas ang kalsada ng Barangay Poblacion 2 nang pagbabarilin.
Nakaligtas sina Nelda at Susan, habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Lyka Manalo)