HINDI totoo ang tsismis. Tuloy ang ratsada ng world-class 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby simula sa Mayo 14.

Sa isinagawang media presentation kahapon sa Newport Performing Arts Theather sa Resorts World, pinabulaanan ni Gerry Ramos, isa sa nagtataguyod ng torneo, ang napabalita sa social media na hindi matutuloy ang bakbakan ng pinakamahuhusay na manok ng mga premyadong lokal at international breeder.

“Wala pong katotohanan ang mga naglalabasang istorya sa social media na hindi tayo tuloy. Inaayos na pot an gating venue at walang dahilan para hindi tayo magkita-kita simula sa Linggo,” pahayag ni Ramos.

Kabilang sina Butch Cambra (Hawaii), Peter Elm (Guam), Christian Staskow & Chris Castillo (Hawaii); Phil Snead (Tennessee); Kelly Everly (Kentucky) at kabahagi ng kasalukuyang kampiyon na si Bruce Brown ang ilan sa mga dayuhan na sasabak sa pinakahihintay na pasabong sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maliban sa P15M na garantisadong premyo, isang bagong Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang makakamit ng handler ng magkakampiyon na lahok. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P55,000.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea ang pangadigdigan labanan na ito ay inaasistehan ni Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang labanan ng mga tinale ay itinaguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Lahat ng sasali ay bibigyan ng libreng hotel room at parking slot sa mga araw ng laban at commemorative trophy na desenyo ni Castrillo mula naman sa Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Linggo -Mayo 14 para sa unang set ng 2-cock elims at susundan ng isa pang 2-cock elims sa Lunes – Mayo 15.

Ang unang 3-cock semis ay sa Mayo 16 (0-2 puntos) at sa Mayo 17 – para sa second set (0-2 puntos).

Ang 4-cock finals para sa mga entries na umiskor ng 2, 2.5, 3 o 3.5 matapos ang semis ay sa Biyernes - Mayo 19.

Samantala ang 4-cock grand finals para sa may mga puntos 4, 4.5 & 5 ay sa Sabado Mayo 20, kung kailan magkakaalaman kung sino ang tatanghaling kampeon.

Para sa mga detalye at cockhouse reservations, makipag-ugnayan kay Ms. Kate Villalon – 09278419979.