NAG-STORY conference na ang Star Cinema para sa gagawing pelikula nina Angel Locsin, Richard Gutierrez at Angelica Panganiban. Wala pang sinasabing title ang pelikula na ididirehe ni Nuel Naval.
Reunion movie ito nina Richard at Angel after ten years, kaya excited na ang kanilang fans. Matatandaan na laging box office hit ang mga pelikula nila noon sa GMA Films at Regal. Obvious na excited din ang dalawa sa muli nilang pagtatrabaho, kaya agad silang nag-post ng photos nila sa Instagram.
Post ni Angel: “After 10 years... Hello from Chardgel! #soon #starcinema #movie.” Kabilang sa mga nag-comment sa post ni Angel sina Raymond Gutierrez at Bubbles Paraiso.
Post naman ni Richard: “New beginnings #ChardGel #StarCinema.” Nag-comment si Mond ng “FINALLY!!!” at sabi naman ni TJ Trinidad, “@richardgutz congrats bro!”
Ang sunod na request ng fans ay mapanood sina Richard at Angel sa teleserye ng ABS-CBN, at mukhang susunod na ito pagkatapos ng kanilang pelikula.
Nag-post din ng picture nilang tatlo si Angelica at ang caption lang ay “Soon.”
First time magkakasama sa pelikula sina Richard at Angelica.
Sina Angel at Angelica, nagkasama na sa One More Try movie ng Star Cinema noong 2012. (NITZ MIRALLES)