ITINATANGHAL sa iba’t ibang paaralan sa buong kapuluan ang documentaryong Valor na pinrodyus ng Philippine Veterans Bank (PVB) at ng Board of Trustees of World War II mula sa direksiyon ng batambatang filmmaker na si Bani Lograno.

Si Lograno rin ang direktor ng mga naunang documentary tulad ng Manila 1945: The Rest of the Story at Unsurrendered 2.

Tinatalakay ng Valor ang buhay ng yumaong Col. Emmanuel de Ocampo at ang kanyang kabayanihan noong World War II bilang miyembro ng Hunters-ROTC Guerillas. Pagkatapos ng giyera ay naging instrumental si Col. Ocampo sa muling pagbubukas ng PVB noong 1992 na namalagi siyang chairman.

Unang itinanghal ang Valor sa Presidential Museum and Library at kabilang sa naging special guests ang directors at senior officers ng PVB sa pangunguna ni Chairman Roberto de Ocampo. Kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte si Undersectary Eliseo Rio, Jr. na siyang nagbasa ng special na mensahe ng pangulo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Patuloy ang screenings ng Valor sa schools at maging sa malls na ang layunin ay tumimo sa isipan ng kabataan ang sakripisyo at kabayanihan ng maraming unsung heroes noong World War II. Balak din ng PVB na isali sa international film festivals ang Valor. (REMY UMEREZ)