Isang ginang ang pinatay sa sakal ng kanyang kinakasama bago isinilid sa sako at itinago ang bangkay sa ilalim ng kama sa tinuluyan nilang motel sa Roxas City, Capiz.

Ayon sa Roxas City Police Office (RCPO), nag-iiyak at tinangka pang maglason baso sumuko si Jerwin Telesforo, 30, taga-Barangay Poblacion, Sapian, Capiz, sa pagpatay niya sa kinakasamang si Loida Cordovero, 28, ng Bgy. Lonoy, Roxas, City.

Nabatid ng pulisya na nangyari ang krimen sa Bee Hive Inn sa Plaridel Street, Bgy. 8, Roxas City.

Ayon sa suspek, naabutan niya umanong may kasamang ibang lalaki sa motel si Cordovero kaya napatay niya ito sa sakal, isinako at itinago sa ilalim ng kama ang bangkay bago tumakas, pero kalaunan ay sumuko rin. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar