Maraming kongresista ang pabor sa panukalang ibaba ang “age of criminal responsibility”, sa paniwalang makabubuti ito sa mamamayan, lalo na sa mga bata.

Kabilang sina Zamboanga del Surb 1st District Rep. Divina Grace Yu, chairperson ng House committee on welfare of children; at ANAC-IP Party-list Rep. Jose Panganiban, chairman ng House committee on agriculture and food, sa mga sang-ayon na dapat ibaba ang edad ng kabataan para managot sa mga kasong kriminal.

Anila, pabor sila sa pagpapababa sa 12 anyos ng “age of criminal responsibility” mula sa 15 anyos.

Katwiran nila, ginagamit umano ng mga sindikato ang mga bata upang makaiwas sa pananagutan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We’ve been waiting for the bill so the committee on welfare of children will be able to study its provisions and ensure they will not be detrimental to the welfare of children. Pag-uusapan namin bawat provision,” anila.

(Bert de Guzman)