MADRID (AP) — Sinimulan ni top-ranked Andy Murray ang kampanya sa Madrid Open sa magaan na 6-4, 6-3 panalo kontra wild card Marius Copil ng Romania sa second round nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Binasag ni Murray ang service play ng karibal sa bawat set para patalsikin ang 104th-ranked na karibal.
“When I started to control the points more towards the end of the first set and second set, I was hitting the ball pretty clean, creating a few chances,” pahayag ni Murray.
“I didn’t give him any opportunities. It was good for the first match.”
Kampeon dito si Murray noong 2008 at 2015 at runner-up kay Novak Djokovic sa nakalipas na taon. Napatatag niya sa 11-0 ang record para sa opening match mula nang mag-debut sa torneo noong 2006.
“I still think there’s a ways to go. I don’t think I’m playing perfectly just now. I think there’s just things I can definitely do better,” sambit ni Murray.
Umusad si eighth-seeded Dominic Thiem ng Austria sa third round nang gapiin si Jared Donaldson ng United States 6-3, 6-4, habang nagwagi si ninth-seeded David Goffin ng Belgium kontra Florian Mayer ng Germany, 7-6 (3), 6-0.
Makakaharap iya sa susunod na round aqng mananaloo sa pagitan nina fifth-seeded Milos Raonic ng Canada at Gilles Muller of Luxemburg, nagwagi sa unang laban kontra German Tommy Haas 6-4, 7-6 (7).
Umabot naman sa mahigit tatlong oras ang laban bago nanaig si Ivo Karlovic ng Croatia kay Roberto Bautista Agust ng Spain, 7-6 (4), 6-7 (9), 7-6 (6). Naitala ni Karlovic ang 35 ace.
Sa women’s draw, namayani si third-seeded Simona Halep ng Romania kontra Italian Roberta Vinci 6-3, 2-6, 7-6 (2), habang nangibabaw si 16th-seeded Samantha Stosur ng Australia kay Mariana Duque-Marino ng Colombia 6-3, 7-5.