HINAHANGAAN ko si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagmamalasakit niya sa mga Pilipino. Lagi niyang sinsasabi na hindi niya papayagan ang sino mang grupo na pinsalain ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan ng kanyang sigasig sa kampanya laban sa droga at krimen.

Ganito rin sana maging kasigasig sa kampanya upang gawing ligtas ang mga kalsada sa bansa. Nakalulunos mabalitaan ang mga aksidente na kumikitil sa inosententeng buhay, ay kung minsan ay mga kabataan pa.

Ginagamit natin ang mga kalsada sa ating pansarili at iba pang gawain – sa pagtungo sa trabaho o sa pagpasok sa paaralan. Hangad ng bawat isa na magkaroon ng kapayapaan sa isip kapag ginagamit natin at ng ating mga anak ang mga kalsada.

Nakalulungkot na marami pa ring dapat gawin upang maging ligtas ang ating mga kalsada.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa ulat ng World Health Organization noong 2015, 1.25 milyong tao ang namamatay sa kalsada taun-taon. Ayon naman sa Department of Public Works and Highways, umabot sa 1,513 katao ang namatay sa bansa dahil sa mga aksidente sa kalsada.

Ayon sa Dapartment of Transportation, 79 na porsiyento ng mga namamatay sa aksidente sa kalsada ay bunga ng pagkakamali ng nagmamaneho, 11% dahil sa depektibong sasakyan at 10% dahil sa masamang kondisyon ng kalsada.

Dapat nating harapin ang isyung ito dahil mayroon tayong mahigit 13 milyong lisensiyadong driver at halos walong milyong sasakyan.

Kailangang repasuhin ang pagsasanay at pag-aaral ng mga driver, lalo na yaong nagmamaneho ng sasakyang pampubliko dahil nakasalalay sa kanilang mga kamay ang kaligtasan ng mga pasahero.

Dapat tiyakin ng mga kinauukulang ahensiya na lubos na nauunawaan ng mga driver... ang mga regulasyon sa trapiko at ang ligtas na pagmamaneho.

Dapat ding pagbutihin ng mga ahensiyang kinauukulan ang implementasyon ng mga regulasyon sa trapiko upang mapigil ang mga abusadong driver.

Dapat din namang gawin ng mga driver ang kanilang pananagutan. Magsuot ng seat belt. Huwag magmaneho kung nakainom.

Huwag mag-text habang nagmamaneho. Sundin ang mga regulasyon sa trapiko mayroon man o walang traffic enforcer.

Sa panig naman ng mga operator ng mga sasakyan, dapat tingnan ang kalusugan ng kanilang mga driver.

Nagtitiwala ako na sisikapin ng administrasyong Duterte na gawing ligtas ang ating mga kalsada para sa kapakanan ng mga mamamayang Pilipino. (Manny Villar)