Sumuko sa Joint Task Force Basilan ng militar ang tauhan ng kilalang Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Furudji Indama sa Ungkaya Pukan sa Basilan nitong Linggo.

Sumuko si Hussin Asrap Wahid, alyas “Ottoh Wahid” o “Jay Pilmita”, 28, residente ng Barangay Baguindan, Tipo-Tipo, Basilan, sa 18th Infantry Battalion ng 1st Infantry Division, bandang 3:00 ng hapon nitong Linggo.

Isinuko rin ni Wahid ang kanyang .45 calibe pistol sa militar, at sumailalim sa custodial debriefing ng Joint Task Force Basilan sa headquarters ng 18th Infantry Battalion sa Sitio Camalig, Bgy. Bohe Pahu, Ungkaya Pukan.

Kaugnay nito, sinabi ni Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na sa kasalukuyan ay may kabuuang 41 bandido na ang sumuko sa militar: 25 sa Basilan, 11 sa Tawi-Tawi at lima sa Sulu.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Francis T. Wakefield)