ARIES [Mar 21 - Apr 19]
Isang secret mortal na kaaway ang paplastikin ka para sa sarili niyang advantage. Use your intuition.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
Gagastos ka today sa isang bagay na hindi magiging useful sa ‘yo. Iwas muna sa malls.
GEMINI [May 21 - Jun 21]
Magtatapat na siya ng nararamdaman niya! Ready ka na bang ma-frustrate?
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
Home buddy ang peg mo today. Bukas? Ganun uli.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
Gawin today ang mga aasikasuhing may kinalaman sa documents, ‘di ka mahihirapan.
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
Tatanggap ka ng isang cute gift kahit walang okasyon. Ano’ng meron?
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
Kakausapin ka ni crush at manginginig ka sa sobrang kilig. Mag-toothbrush!
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Hindi mo magustuhan ang aasalin ng isang friend na special sa ‘yo. Learn to listen.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
May parating na trial na hindi mo maiiwasan. Remember: Daanan mo lang, ‘wag kang magbababad.
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
Aayain ka ni Loves sa isang biglaang date. I-resched na ang meet up with friends.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Makikilala mo siya today habang basang-basa ka sa ulan at nag-aabang ng jeep. ‘Yun, eh kung uulan.
PISCES [Feb 19 - Mar 20]
Kakaibiganin mo ang isang dating enemy, may hihingin ka kasing pabor. Bukas, dedma ka na naman sa kanya.