Glaiza copy copy

LAST eight days mula ngayon ng Encantadia na sa Mayo 19 magtatapos. Muling minahal ng maraming televiewers ang second coming ng fantaserye. Lahat ng cast, nalulungkot at nakakaranas na ng separation anxiety kabilang dito si Glaiza de Castro na gumaganap sa role ni Pirena.

“Bittersweet for me na magtatapos na ang Encantadia dahil first time for me na masama sa show na almost one year ang airing. Ito na ang pinakamatagal kong show. Gustuhin man naming magtagal pa, hindi na puwede dahil lilipad na ang Mulawin vs. Ravena,” sabi ni Glaiza.

Ang daming experiences na naranasan si Glaiza habang ginagawa ang Encantadia, at nakatulong ang mga ito sa pagiging aktres niya. Mostly, happy experiences ang naranasan niya na kanyang iti-treasure forever.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Natawa si Glaiza nang biruin na magtatapos ang Encantadia na may ka-love team siya sa katauhan ni Marx Topacio. At may istorya pala kung bakit may ka-love team siya.

“Biniro ko si Direk Mark Reyes na kaya laging galit si Pirena dahil walang love life. Nagulat na lang ako nang biglang humabol si Marx na ka-love team ni Pirena. Kaya may AzPiren love team na (Azulan at Pirena). Nakakatuwa dahil nagustuhan ng viewers, hindi lang natin alam kung hanggang sa ending may love life si Pirena,” kuwento ni Glaiza.

Wala pang naririnig na follow-up project si Glaiza after Encantadia kaya focus muna siya sa kanyang musika. Magpo-promote siya ng second album niya at planong pumunta sa Korea para dumalo sa isang music festival doon.

(NITZ MIRALLES)