Daniel copy

SINAGOT na ni Daniel Padilla ang Facebook post ni Richard Reynoso na nagpapahayag ng pagkadismaya sa performance ni Daniel sa coronation night ng Bb. Pilipinas.

Sa phone interview kay Daniel nina Gretchen Fullido at Ambet Nabus na umere sa DZMM last weekend, sabi ni Daniel, “Ewan ko. Pasens’ya na siguro. Mali siguro ako. Hayaan n’yo na, may opinion naman ang lahat ng tao. Kung ‘yun ang opinion niya wala naman tayong magagawa.”

Nasa Hong Kong si Daniel nang ma-interview kasama si Kathryn Bernardo para sa screenings ng pelikula nilang Can’t Help Falling In Love. (Nitz Miralles)
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019