HINDI natuloy ang pagbabalik ni Bill Clinton sa White House ngayong taon bilang America’s “first gentleman” nang matalo ang asawa niyang si Hillary sa 2016 election.

Pero sa halip na manghinayang, bumaling ang two-term Democratic president sa fiction, at nagsusulat ngayon ng kanyang unang thriller tungkol sa drama behind the scenes sa White House, pahayag ng kanyang publishers nitong Lunes.

Makakatuwang ni Clinton ang bestselling US author na si James Patterson sa pagsusulat ng The President is Missing na ilalathala sa Hunyo 2018 ng Alfred A. Knopf at Little, Brown and Company.

“(The book) will offer readers a unique amalgam of intrigue, suspense and behind-the-scenes global drama from the highest corridors of power. It will be informed by insider details that only a president can know,” pahayag ng publishers.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Walang duda na ito ay mundong pamilyar sa 70-year-old, isa sa pinakasikat na naging pangulo ng United States ngunit ang kanyang walong taon ay nabahiran ng impeachment noong 1998 dahil sa pagkikipagrelasyon niya sa isang intern ng White House.

“Working on a book about a sitting president -- drawing on what I know about the job, life in the White House, and the way Washington works -- has been a lot of fun,” sabi ni Clinton.

“And working with Jim has been terrific.”

Ang best-selling author ng Kiss the Girls at Along Came a Spider ay bumenta ng mahigit 350 milyong libro at may hawak ng Guinness World Record ng pinakamaraming number one New York Times bestsellers, nakasaad sa kanyang website.

Tinawag ni Patterson “highlight” ng kanyang career ang collaboration nila ni Clinton.

“Having access to his first-hand experience has uniquely informed the writing of this novel,” sabi ni Patterson. “I’m a story-teller, and president Clinton’s insight has allowed us to tell a really interesting one.”

Ayon sa Forbes, ang yaman ni Patterson ay nasa $95 milyon, at siya ang richest and busiest penman ng publishing industry na nakapagpo-produce ng mahigit isandosenang libro bawat taon kasama ang co-authors.

Si Clinton ay nagsulat ng serye ng mga libro, kabilang na ang kanyang post-office 2004 best-selling memoir na My Life. (Agence France-Presse)