LIAN, Batangas - Pinaghahanap ng pulisya ang isang 43-anyos na ama matapos ireklamo ng sariling asawa sa pagmomolestiya sa limang taong gulang nilang anak na babae sa Lian, Batangas.
Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:30 ng umaga nitong Lunes nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang mag-ina upang ireklamo ang suspek.
Sinabi ng ginang na minolestiya ng kanyang mister ang kanilang anak bandang 9:00 ng gabi nitong Abril 24.
(Lyka Manalo)