Moon _South Korea Elections_Luga copy

SEOUL (AP) — Sinabi ng bagong halal na pangulo ng South Korea na si Moon Jae-in kahapon na handa siyang bumisita sa karibal na North Korea upang pag-usapan ang agresibong pagsusulong ng Pyongyang sa ambisyong nuclear nito.

Matapos pormal na manumpa sa puwesto, sinabi rin ni President Moon na taos-puso siyang makikipag-ayos sa United States at China kaugnay sa kontrobersiyal na pagtatayo ng advanced U.S. missile-defense system sa katimugan ng bansa na ikinagagalit ng Beijing.

Sa kanyang talumpati sa National Assembly ilang oras matapos ideklarang nagwagi sa halalan nitong Martes, nangako si Moon na ipupursige ang kapayapaan sa Korean Peninsula sa harap ng tumitinding pagkabahala sa nuclear weapons at missiles program ng North.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I will quickly move to solve the crisis in national security. I am willing to go anywhere for the peace of the Korean Peninsula — if needed, I will fly immediately to Washington. I will go to Beijing and I will go to Tokyo. If the conditions shape up, I will go to Pyongyang,” sabi ni Moon.

Agad na nanungkulan si Moon, anak ng mga refugee na tumakas mula sa North Korea noong Korean War, matapos siyang ideklara ng National Election Commission bilang kapalit ng pinatalsik na si Park Geun-hye.

‘WARM CONGRATULATIONS’

Ikinalugod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panalo ni Moon at nangakong makikipagtulungan sa bagong administrasyon nito upang higit na mapabuti ang alyansa ng makalapit-bansa sa Asia.

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to Mr. Moon Jae-in on his election as the new President of the Republic of Korea (ROK),” pahayag ni Presidential spokesamn Ernesto Abella.

“The Philippines is committed to further enhancing the relations with the ROK under President-elect Moon. We wish him all the best,” dagdag niya. (May ulat ni Genalyn D. Kabiling)