Kath copy copy

KUNG magkakatotoo ang information na natanggap namin kahapon, may nanalo na, kaya uwian na.

From a reliable ABS-CBN insider, napag-alaman namin na malapit nang i-announce ng Star Cinema ang bagong napili para gumanap bilang Darna. 

Isang importanteng meeting na lang daw ng mga bossing ng Star Cinema kasama ang isang Kapamilya actress na napili na nga raw para sa much coveted role.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Ayon sa aming source, hindi pa napapanahon na ilabas sa publiko ang susunod na Darna pero sinigurado niya na may napili na at aprubado na ito ng mga bossing.

Pero kalaunan, napilit din namin siyang sabihin sa amin kung sino.

Napakaraming lumitaw na pangalang pinagpipilian ng Star Cinema simula nang idekalara ni Angel Locsin na hindi na niya magagampanan ang pinag-aagawang role.

Maugong ang pangalan nina Liza Soberano, Kim Chiu, Nadine Lustre, Yassi Pressman, Maja Salvador, Pia Wurtzbach at Kathryn Bernardo na sinasabing papalit kay Angel.

Ayon pa sa kausap namin, dumaan sa masusing pag-uusap at deliberasyon ang pagpili sa gaganap sa pelikulang nakatakdang isali ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2017.

Sa mga nabanggit na pangalan, sina Liza, Pia at Kathryn ang napasama sa short list at hanggang sa napagkasunduan na raw na kay Kathryn na ibibigay ang papel bilang Darna.

So, kung ipapasok din ang pelikula nina Vice Ganda, Pia at Daniel Padilla at parehong mapili sa MMFF , magkakalaban sa takilya ang reel and real loveteam, huh!

‘Yan ay kung matatapos ang Darna sa itinakdang deadline ng MMFF. (JIMI ESCALA)