Aabot sa 4,000 na bagong miyembro, kabilang ang 500 opisyal, ang kinakailangan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Commodore Joel Garcia, officer-in-charge ng PCG, ilan sa mga bakanteng posisyon ay biologist, doktor, inhinyero, accountant at public relations staff.
Sinabi naman ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, nasa P17,000 hanggang P40,000 ang maaaring sahurin sa entry level, depende sa posisyon.
Maaaring mag-apply ang isang natural born Filipino, may good moral character, may Baccalaureate Degree, may 72 units sa kolehiyo o nagtapos ng TESDA course para sa non-officers.
Para naman sa mag-a-apply na opisyal ng PCG, kinakailangang nasa edad 21-26s, habang 18-86 sa non-officers.
Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang website ng Philippine Coast Guard. (Beth Camia)