Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumer na bababa ng P0.29 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong Mayo.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mula sa P9.89/kWh na electricity rate noong Abril ay magiging P9.60/kWh na lamang ito ngayong Mayo.

Ito ay katumbas, aniya, ng P58 pagbaba ng singil sa typical residential household na kumukonsumo ng 200kWh kada buwan, P87 sa 300kWh, P116 sa 400kWh, at P145 naman sa 500kWh.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na ang pagbaba ng singil sa kuryente ay kasunod ng pagbaba ng overall generation charge na umabot ng P0.2126/kWh, na dulot naman ng pagbaba ng cost ng power na mula sa Independent Power Producers (IPPs) at ng Power Supply Agreements (PSAs).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa generation charge, bumaba rin nang bahagya ang transmission charge ng P0.02/kWh, gayundin ang mga tax at iba pang charges na bumaba sa combined amount na P0.10/kWh. (Mary Ann Santiago)