LONDON (AFP) – Nag-iwan ng napakataas na murder rate ang malulupit na drug cartel ng Mexico noong nakarang taon, sumusunod lamang sa Syria, ayon sa ulat na inilabas nitong Martes ng London-based IISS.
Mayroong 23,000 napatay sa Mexico noong 2016, kumpara sa 60,000 napatay sa civil war ng Syria, iniulat ng International Institute for Strategic Studies (IISS).
“It is very rare for criminal violence to reach a level akin to armed conflict. But this has happened in the Northern Triangle of Central America (Honduras, Guatemala and El Salvador) and, especially, Mexico,” pahayag ni Antonio Sampaio, mananaliksik sa security and conflict institute.
Ang mataas na antas ng karahasan sa Mexico ay iniuugnay ni Sampaio sa desisyon noong Disyembre 2006 ng noo’y pangulo na si Felipe Calderon, na magdeklara ng “war on drugs” para durugin ang mga cartel.
“But the resulting conflict brought misery to Mexico: 105,000 people lost their lives in intentional homicides between that month and November 2012,” sinabi ng IISS researcher.
Patuloy na tumataas ang homicide rate sa ilalim ni President Enrique Pena Nieto na tinutugis ang mga drug trafficker.
Sa buong mundo, bumaba ang bilang ng mga namatay sa labanan mula 167,000 noong 2015 sa 157,000 nitong nakaraang taon, ayon sa IISS.