TOKYO (Reuters) – Nananawagan ang International Monetary Fund (IMF) sa mga ekonomiya sa Asia na matuto sa karanasan ng Japan at agad na kumilos para matugunan ang mabilis na pagtanda ng populasyon, nagbabala na ilang bansa sa rehiyon ang nanganganib na tumanda nang hindi yumayaman.

Tinatamasa ng Asia ang sapat na demographic dividends (populasyon ng matatanda at bata) sa mga nakalipas na dekada, ngunit ang lumalaking bilang ng matatanda ay nakatakdang lumikha ng demographic “tax” sa paglago, sinabi ng IMF sa economic outlook report nito para sa Asia-Pacific region kahapon.

“Adapting to aging could be especially challenging for Asia, as populations living at relatively low per capita income levels in many parts of the region are rapidly becoming old,” nakasaad sa ulat. “Some countries in Asia are getting old before becoming rich.”

Tinatayang babagsak sa zero o hindi na lalago ang populasyon ng Asia pagsapit ng 2050 at bababa ang bilang ng mga taong nasa working-age sa mga susunod na dekada, ayon sa ulat.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Mabilis na tataas ang populasyon ng mga nasa edad 65 pataas at pagsapit ng 2050 ay maaabot ang two-and-a-half times ng kasalukuyang antas, ayon dito.

Ang pinakamalaking hamon ay nakaatang sa Japan, kapwa nahaharap sa tumatanda at lumiliit na populasyon. Lumiit ang labor force ng Japan ng mahigit 7 porsiyento sa nagdaang dalawang dekada, sinabi ng IMF.

Ang mataas na bilang ng mamamayan nito na nabubuhay sa pension ang maaaring nasa likod ng sobrang savings at low investment ng Japan, na nagpapabigat sa paglago at sinisisi rin sa inflation na mas mababa sa 2% target ng Bank of Japan, ayon sa ulat.

“Japan’s experience highlights how demographic headwinds can adversely impact growth, inflation dynamics and the effectiveness of monetary policy,” saad dito.