WHITE PLAINS, N.Y. (AP) — Matapos ang 12 pagtatangka, natupad ang matagal nang pangarap ni Teddy Sandgren – makalaro sa main draw ng Grand Slam tournament.

Naisakatuparan niya ito nang pagwagihan ang U.S. Tennis Association's wild-card challenge para sa French Open.

Pormal na ipinahatid ng USTA ang kanyang pagtisipasyon sa Roland Garros nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nanguna ang 25-anyos na si Sandgren mula sa Gallatin, Tennessee nang pagwagihan ang USTA Pro Circuit Challenger sa Savannah, Georgia, at makapasok sa finals ng ATP Challenger sa Sarasota, Florida.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ipinahayag din ng USTA na ang 15-anyos na si Amanda Anisimova ng Freehold, New Jersey ang nagwagi sa women's wild-card challenge. Ang French Open ay debut din niya sa Grand Slam main-draw. Nakatakda ang French Open sa Mayo 28.