ROCCO AT SANYA copy

LAHAT ay first para kay Sanya Lopez bilang Hara Danaya sa Encantadia. Kaya kitang-kita ang kaligayahan niya nang makausap ng ilang entertainment press sa special presentation ng cast ng Encantadia at pagsalubong sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Mulawin vs Ravena sa Aguila Theater Grounds sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa City, Laguna nitong nakaraang Linggo.

Marami pa ring tanong kung ano ang magaganap sa huling dalawang linggo ng epic-serye na dinidirihe ni Mark Reyes.

Kabilang dito kung magkakatuluyan ba sina Aquil (Rocco Nacino) at Hara Danaya hanggang sa huli. Marami kasing bumabalik o nabuhay na character kaya parang hindi kakasya ang mga magaganap hanggang sa pagtatapos nila sa May 19.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“Kahit po kami ni Sanya, hindi namin alam,” sabi ni Rocco. “Binuhay niya ako sa pamamagitan ng brilyante niya pero kung ano ang susunod na mangyayari, wala pa.”

“Mas una pa rin po kasi kay Hara Danaya ang kapakanan at kaligtasan ng Lireo kaysa pagmamahal niya kay Aquil,” sagot naman ni Sanya. “Huwag lang po kayong bibitiw hanggang sa huli.”

Siyempre pa, ang tanong kung “sila na” ba off-camera?

“Sa ngayon po ay pareho pa kaming focus ni Rocco sa aming careers. Wala pa po akong balak maging girlfriend ng kahit sino,” sagot ni Sanya. “Hindi pa tapos ang taping namin ng telefantasya at may iba pa kaming work na gagawin ni Rocco.”

“Yes, sa ngayon po ay focus pa rin ako sa work, sa mga jujitsu events na sinasalihan ko, nand’yan din iyong paghahanda ko sa ipatatayo kong bahay. Ganoon pala ‘yon, marami ka munang gagawin bago mo mapasimulan ang dream house mo, pero marami akong natututunan. Pero sa Wednesday, May 10, magkasama po kami ni Sanya para sa isang Kapuso Pinoy TV show sa Vancouver, Canada. First trip abroad ni Sanya and I’m happy na ako ang kasama niya.”

“Yes, excited nga po ako dahil first trip abroad, first show abroad, hindi ko po talaga in-expect na mangyayari sa akin ito. Kaya salamat po talaga sa GMA. Pero hindi po kami p’wedeng magtagal ni Rocco, pagkatapos ng show namin sa May 12, babalik na rin kami ng bansa at diretso na kami sa taping ng Encantadia. Hindi pa po namin alam kung kailan ang last day of taping namin.”

Sa show sa Enchanted Kingdom, habang umaawit si Sanya, pumasok sa stage si Rocco, kaya nagtilian ang fans. At nang itanong ni Rocco kung gusto ng fans na maging sila pa rin ni Sanya sa huli ng Encantadia, sumigaw sila ng ‘kiss’.

Hindi naman nagkait ang dalawa at matagal ang halik na ibinigay ni Rocco sa cheek ni Sanya, kaya tuwang-tuwa ang audience sa napanood nila. (Nora Calderon)