TUY, Batangas - Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher na kabilang sa listahan ng high value target ng mga awtoridad matapos umanong manlaban at mabaril ng mga pulis sa raid sa Tuy, Batangas, nitong Linggo.
Dead on arrival sa Western Batangas Medical Center sa Balayan si Arturo Garcia, alyas Arnel Garcia, 39 anyos.
Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), nagsilbi ng search warrant ang grupo ni Senior Insp. Domingo Ballesteros, Jr. sa bahay ni Garcia dakong 5:00 ng hapon ngunit nauwi ito sa engkuwentro.
Narekober umano ang mga awtoridad sa lugar ng isang .45 caliber pistol, mga sachet ng shabu at marijuana, drug paraphernalia, at cash money. (Lyka Manalo)