Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking nagbiro tungkol sa bomba at nagdulot ng bahagyang pagpa-panic ng ilang nakarinig sa kanya sa EDSA, Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Ganap na 8:50 ng gabi nitong Linggo nang ipaaresto ni Supt. Pedro Sanchez si Gilson Escasa, 37, bus washer sa DLTB terminal sa EDSA Monte De Piedad Street, Barangay Pinagkaisahan, makaraan siyang sumigaw ng “Bomba! Boom!”.

Nabatid na nag-panic ang mga pasahero at ilang malapit sa terminal nang marinig si Eascasa.

Kasabay nito, 23 katao naman ang pinagdadampot ng QCPD dahil sa hinalang sangkot ang mga ito sa droga.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang ilan sa mga naaresto na sina Michael Espiritu Santo, 35; Roberto Murillo, 39; Jerome Barimbao, 25, pawang taga-Bgy. Apolonio Samsom, Laloma; Felicidad Colis, 42; Ralph Anthony Ramanos, 25; Aaron Almeria, 36; Dennis Morales, 43; at Ramiro Flores, 42, mga taga-Bago Bantay, Bgy. Ramon Magsaysay.

Dinakip naman ng mga tauhan ng Masambong Police sa West Avenue sina Eduardo Ochenta, 52; Freddie Davacol, 42; King Gomez, 32; Rowena Canlas, 32 anyos.

Arestado rin ng Talipapa Police sa Bgy. Balon Bato sina Ranie Urquico, 47; at Freddie Blanco, 55, kapwa residente sa lugar.

Sa Congressional Avenue sa Bgy. Pasong Tamo naman natimbog si Christian Sajota, 34, habang dinampot ng QCPD PS7 sa Bgy. Immaculate Concepcion sina Mc Niel Herrera, 29; ng Bgy. Immaculate Concepcion, Cubao; John Paul Valezuela, 18; Jake Estrada, 24; Danilo Molina, 26; at Jerry Molina, 27, pawang taga-Socorro, Cubao.

Arestado rin sina John Ryeth Monteclaro, 19, ng Bgy. Brgy. Culiat; at Jasmine Santiago, 34; ng Bgy. Loyola Heights, at ilan pa. (Jun Fabon)