LJ REYES copy copy

TULOY pa rin ang usap-usapan tungkol sa binitiwang salita ni Sen. Tito Sotto tungkol kay DSWD Sec. Julie Taguiwalo. Kaya nang dumalaw kami sa set ng D’Originals, hindi naman tumanggi ang isa sa lead stars nito na si LJ Reyes, isang single mom, na magbigay ng kanyang pananaw. 

Nasaktan ba siya sa sinabi ni Sen. Tito tungkol sa pagiging solo parent ni Sec. Taguiwalo?

“Mayroon po lamang kasing nag-comment sa IG account namin ni Pao (Paolo Contis) na magkaiba naman ang sinasabi niya,” say ni LJ. “Ipinaliwanag ko lang sa basher na nagsabi lang ako ng totoo, na gusto kong suportahan ang lahat ng babaeng katulad ko and let’s share love and happiness. At sabi ko pa sa kanya, no need for misaligned stories. Iyong iba kasi nadadala lang ng kanilang emosyon, kaya kung anu-ano ang nasasabi. Gusto ko lang, stop na, at nag-stop naman siya.”

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Nasaktan ba siya sa sinabi ni Sen. Tito?

“Nakaka-hurt naman po talaga kahit kanino. Hindi naman alam ng lahat ng tao ang pinagdadaanan ng bawat isa. Iba po ang pinagdaan ko sa ibang single mom. Gusto ko lang i-encourage everybody na parang kung anu’t anuman, tayu-tayo pa rin ‘yung magtutulungan May mga friends akong single mom na kami-kami ang nagtutulungan.”

Paano kung sa isang pagkakataon, makita niya si Sen. Tito, ano sasabihin niya?

“Sasabihin ko po ‘hello,’ respeto ko naman sa kanya. Wala po naman akong personal na galit sa kanya, saka nag-sorry naman po siya agad. Bakit po naman hindi ko ia-accept ang sorry niya?

“Iyong post ko po kasi hindi lang naman sa kanya kundi sa iba pang nag-iisip ng ganoon.

“As a single mom, meron talagang discrimination, hindi mo naman p’wedeng ikuwento lahat ng nangyayayari sa buhay mo. Kaya gusto ko lang ipaalam sa lahat ng single mothers na narito lagi ang support ko sa kanila. Hindi po ako nakikisawsaw sa issue, may freedom of speech po ako na p’wede kong isulat sa aking IG page.”

Mag-asawa ang role nina LJ at Mark Herras sa D’Originals, pero nagkaroon ng twist ang pagsasama nila nang pumasok sa eksena ang kanyang step-sister na ginagampanan ni Lovely Abella. Marami raw nakatutuwang pangyayari pa sa kanilang afternoon serye na kapupulutan ng aral at maraming makaka-relate sa story nilang tatlong originals, sina Ms. Jaclyn Jose at Kim Domingo. Napapanood ito araw-araw, pagkatapos ng Legally Blind. (NORA CALDERON)